DECEMBER JANINE TRINIDAD TATLONG KATOK ang nadinig ko mula sa aking pintuan nang gabing ‘yon. Sino bang kakatok sa akin ng diyes oras nang gabi? Sinara ko ang laptop ko at saka binaling ang attensyon ko sa pintuan. “Sino yan?” tanong ko at saka ako tumingin sa pintuan. “Ako to, si Raphael.” seryosong saad niya “Pwede ba akong pumasok?” tanong niya muli sa akin, napapikit ako nang maramdaman ko ang pag-init ng ulo ko. Hindi ko alam kung pregnant hormones ba 'to o sadyang naiinis lang ako sa kanyang mukha. “Paano kung ayoko?” tanong ko sa kaniya. “Gusto ko lang makita yung baby natin, pwede ba?” muli niyang tanong sa akin.“Wala akong pakialam sa gusto mong mangyari dahil ayoko na makita ka. Hindi kita papasukin sa kwarto ko,” sagot ko sa kaniya mula sa pintuan ko. “Dec, please…” “Uma

