Vaniella's POV I can't believe that he is here. Lahat ng masamang senaryo na nilikha ko sa isipan ko na maaari niyang gawin sa akin habang malayo siya ay parang biglang nabura sa isipan ko at nakalimutan ko na lang bigla. Ang sama ng mga iniisip ko tungkol sa kaniya sa totoo lang at parang nakakakonsensiya tuloy. Wala naman siyang ginawa at pinakita sa akin noong narito siya kundi ang kabaliwan niya sa akin, pag-aalaga at pagmamahal. Mukhang hindi naman niya magagawa ang mga nasa isip ko gaya ng sabi nina Cindy at Angela sa akin. Ako lang talaga ang walang tiwala sa kaniya dahil mukhang trabaho at malaking problema ang inasikaso niya roon kaya siya natagalan. Kita naman sa itsura niya na stress siya. Parang ang laki ng itinanda niya sa paningin ko. Paano, ang haba na ng kaniyang buho

