Vaniella's POV “Ano ba ang ginagawa mo rito sa HNU? Bakit nagtuturo ka na naman? Hindi naman na ako tatakas,” pigil ang inis na paninita ko kay Hakan. Iniba ko agad ang usapan para mawala sa isip niya ang kamanyakan na iniisip niya. Mamaya, tamaan ng libog ang lalaking ito at dito pa siya magkalat sa Hellios Nalupa University. Gagamitin niyang dahilan na malakas siya kay Uncle Storm at Auntie Helena na ama at tita ng kaibigan kong si Angela. Hindi pa man niya na ipapakilala ang kaniyang sarili, alam kong iyon ang pinunta niya rito. Tsaka tinawag niya ako sa apelyido niya. Ako naman si tanga tumayo at lumapit sa kaniya. Dapat hindi ako tumayo, hinintay ko dapat na itama niya ang tawag sa akin. Hindi ko tuloy nakita ang reaksyon ng mga kaklase ko lalo na at halos ang iba rito ay kaklase ko