Vaniella's POV “Bukas na ba ang uwi ng Hakan mo, Vani?” biglang tanong ni Alessandra sa akin out of nowhere. Abala sila sa pag-uusap ni Angela nang bigla siyang bumaling sa akin at tanungin ako ng ganito. Nagulat ako kaya ito lang ang naging reaksyon ko. “Huh?” React ko. Medyo blangko rin kasi ang isip ko dahil lumilipad ito patungo sa Mars. Paano, ninanamnam ko ang mango graham slush na tangan ko. Ang sarap kahit nakaka-freeze ng utak. Lalo na kapag libre. Ha ha ha! “Hindi mo alam na bukas siya uuwi?” Nagtataka na tanong ni Alessandra. Kunot ang kaniyang noo at hindi makapaniwala na parang wala akong alam na uuwi ang instant asawa ko sa papel. Ang bilis kumalat ng balita. Akala ko mga walang muwang ang mga ito na wala akong asawa. Iyon pala kalat na ang tsismis sa buong circle of fri