Hakan's POV Pagkalipas ng limang taon, namatay din si Daddy. Magkasunod lang sila ng ama ni Maria Vaniella, si Daddy V. Kaya naman magkasunod kaming nagluksa. We have to stay strong dahil sa amin humuhugot ng lakas ang mga natitira naming mga magulang. Sa akin, ang Mommy Charmel ko at siya naman ay kaniyang Mommy Malzia na parang gusto ng sumunod sa kaniyang Daddy Vulcan. Parang nawalan na ng ganang mabuhay si Mommy Malzia, mabuti na lang at laging nasa tabi niya ang mga kapatid ng aking asawa na handang aluin siya kapag umiiyak ang aking biyenan. They have been together for almost half of their life kaya naman ramdam ko iyong pighati ng ina niya. Samantalang kay Mommy, parang mabilis naman natanggap ni Mommy Charmel dahil siguro sinabihan siya ni Daddy na huwag siyang masyadong malulun

