Vaniella's POV “G-gising ka na?” Halos mautal na tanong ni Hakan sa akin habang nanlalaki ang kaniyang mga mata. Hawak niya ang pisngi niyang sinampal ko na agad na namula dahil siguro sa lakas ng sampal ko. Nakakainis ka. Natutulog ang tao ay kung ano-ano ang ginagawang pangmamanyak sa akin. Medyo nakadama ako ng konsensiya nang makita kong sobrang pula na ng pisngi ni Hakan. Napalakas nga yata ang pagsampal ko sa kaniya dahil pati ako ay hindi ko na maramdaman ang palad ko. Namanhid na yata sa lakas ng pagtama nito sa kaniyang panga. “Oo, gising na ako! Nagising ako sa pagmamanyak mo! Nakikita mong natutulog ang tao nananamantala ka naman? Hmpt!” Inirapan ko siya at halos umusok ang ilong ko sa inis. Siya naman ay hawak pa rin ang kaniyang pisngi habang nanlalaki pa rin ang mga mat

