Vaniella's POV Hawak ko sa kaniyang kamay si Venedict while we were walking slowly at the beach. Nakasunod sa amin ang nanny niya na panay ang kuha ng stolen shot sa amin at agad na umaalalay sa bata kapag nakikita niyang medyo sumasablay sa paghakbang ang bata. Bumabaon kasi ang paa nito sa buhangin kaya minsan ay bigla na lang nadadapa o kaya naman ay nawawalan ng balanse. Mabuti na lang maagap ang nanny nito kaya hindi natutumba ang bata. Si Venecia naman ay buhat naman ni Hakan sa kaniyang leeg at nauuna sila sa paglalakad sa amin. Tawa nang tawa ang bunso namin dahil gustong-gusto nito na sumasakay sa leeg ng kaniyang ama. Pakiramdam yata ng anak ko ay nakasakay siya sa kabayo dahil nakasabunot ito sa buhok ng kaniyang ama habang medyo inaangat nito ang katawan na tila hinete ng ka

