Vaniella's POV Bumalik kami kinabukasan ng La Union mga bandang tanghali. Aayain ko sana siyang mamasyal para masulit namin yung free trip na regalo ng mga magulang niya ngunit naunahan naman niya ako. Inaya na niya akong umuwi dahil may aasikasuhin daw siya sa La Union. Wala naman kasi kaming gagawin sa Palawan lalo na at matamlay si Hakan na nagising kinabukasan. Nagkasya na lang kasi siya sa pagyakap sa akin buong magdamag habang ako naman ay anong oras na natulog dahil sa nanakit ang aking puson dahil sa menstruation. Mukhang hindi siya satisfied sa kaniyang pagkakamay kaya mainit ang ulo niya nang mag-utos siya sa mga guard niya na bumili ng pagkain sa ibaba para kainin namin bago kami umuwi. Kaya heto, bad mood siya hanggang makarating kami ng La Union. Nakikita ko na sinisikap