Vulcan's POV “Malzia! Malzia! Malzia!” Sigaw ko habang palinga-linga ako sa buong paligid. Nalingat lang ako saglit ay nawala na sa paningin ko si Malzia. Kanina, naroon lang siya sa kaniyang kwarto. Tumalikod lang ako saglit ng higa sa kama namin while waiting for her to come out on the bathroom, nang hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Ang sarap ng tulog niya kanina at tila walang plano na gumising. Nag-aalala nga ako dahil tanghali na ay hindi pa siya gumigising. Ilang beses kong sinubukan na hawakan siya at tingnan kung humihinga pa ba siya. I’m glad that she is but still I am not confident to see that she is still breathing . Mas mapapanatag ang loob ko na makitang gising siya at kumikilos. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makita ko siyang dumilat at saglit na tumitig

