Vaniella's POV Lunes, bumalik kami sa bahay ng mga magulang ni Hakan para roon tumira ng weekdays. Mas malapit kasi ang biyahe patungo ng HNU at hindi kami magahol sa oras sa pagpasok sa school. Malayo kasi ang kinatitirikan ng bahay namin dahil halos boundary na iyon ng Ilocos at La Union. Dalawang oras mahigit ang biyahe at nakakapagod iyon kapag araw-araw na ganoon ang routine namin sa umaga na papasok at sa hapon kapag pauwi na. Magastos sa gas kapag kinukwenta ko pa lang. Walang problema sa gastos dahil mayaman naman ang asawa ko. Pero ang iniisip ko ay iyong pagod naming dalawa. Imbes na mas marami kaming time para makapagpahinga na magkasama, mauubos lang ito sa biyahe tapos pagdating namin sa bahay namin ay pareho na kaming walang energy. Isa pa, narito ang lahat ng gamit namin s

