Hakan's POV Pinagmasdan ko ang asawa ko mula sa malayo. She is laughing with her friends. Ang sarap ng tawa niya at tila nahahawa pa ako dahil napapangiti ako rito mula sa aking kinaroroonan habang nakatingin sa direksyon nila. Sina Alessandra, Angela, Cindy, at Fairy Devine ang kasama niya na nag-shopping. Sila ang naisip kong tawagan nang marinig ko ang payo ng kaniyang doktor. Na minsan ay hayaan ko naman siyang gawin ang mga nakagawian na niya noon bago siya manganak. Para bumalik ang dati niyang sigla at mawala kahit paano sa isip niya ang stress na nagpapasidhi ng kaniyang sakit na PTSD. Iyong mga hilig niyang gawin kasama ang kaniyang mga kaibigan. Like shopping, chit chatting, and eating. Tutal daw ay pwede naman na siyang mamasyal sa labas basta huwag lang maulanan at mahamugan

