Hakan's POV Hindi naging madali ang panganganak ni Maria Vaniella sa aming mga anak nang sumapit na ang kaniyang kabuwanan. I remembered how she called my name while she was crying in pain yesterday. “H-Hakan, ang sakit-sakit. Arayyyyyy!” iyak niya habang pinipilit niyang kayanin ang sakit ng mga sunod-sunod na contractions na kaniyang nadarama. Kagabi pa kami narito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas ang baby. Sabi ng kaniyang OB, hindi pa lalabas ang baby. Four centimeters pa lang ang sukat sa kaniyang pwerta kaya malayo-layo pa ang paglabas ng baby. Mahaba pa raw ang oras at mas masasakit na sunod-sunod na contractions ang kaniyang madarama. “H-Hakannnnn! Ouchhhhhh! Aray ko!” reklamo ng asawa ko na hindi alam kung paano iire. Prinaktis na namin ito ng ilang beses sa baha

