Vaniella's POV Nang matapos ang banquet. Ang araw ng kasal naman namin ni Hakan at coronation day ko ang pinagkakaabalahan na ihanda ng mga tao sa palasyo. Lahat ay halos hindi magkandatuto sa pag-aayos ng mga arkos (palamuti) na pinagtutulungan na dinidisenyo ng mga maid sa may pinaka-function hall ng palasyo. Kung saan ay doon din ginanap ang banquet ko noong nakaraan. Kasama ang event coordinator na malamang ay suki na at pinagkakatiwalaan pa ng palasyo mula noon. Abala rin sa pagkakatay ng mga lulutuing karne ang maraming kalalakihan na halos ilang baka na ang kanilang pinatumba. Hindi lang ito ang handa, may kambing, manok at pabo rin. Walang karne ng baboy na isa sa paborito ko dahil bawal ito sa relihiyon nila. Gusto ko pa naman kumain ng lechon bilang pinaka-main na handa but I

