Hakan's POV Hindi rin nagtagal ang buhay ni Ninong Blue, namatay din siya after two years of fighting sa sakit niya which is cancer sa liver. Hindi na masyadong nasaktan ang mga naulila niya. Tanggap naman na ito ni Auntie Alessandria, ang kaibigan kong sina Alexander at Alexis, ang asawa ni Harvey na si Alessandra at ang bunsong sina Axle at Assunta na sobrang baby sa kanilang ama. Siya ang last man standing sa henerasyon nila ni daddy which is sobrang tibay niya dahil nagawa pa niyang mabuhay ng ilang taon. Marahil nagdiriwang na sa langit sina daddy at ang iba pa nilang mga kaibigan. Sa wakas ay kumpleto na sila. Ang hihintayin naman nila ngayon ay ang mga auntie na malamang hindi na rin magtatagal ang buhay dito sa mundo dahil matatanda na sila. Alam kong susunod na ang mga auntie s

