Hakan's POV Dumating ng mas maagang araw si Maki sa inaasahan naming araw ng pagdating niya rito sa Nasugbu, Batangas. Nagpahatid na lang siya sa driver niya habang kabuntot ang sandamakmak na bodyguard. Hindi na niya nahintay ang kambal na sina Erwhan at Steven para sumabay sa mga ito sa kanilang dalang eroplano. Sa mismong birthday kasi ni Mommy ang uwi nila dahil buong pamilya nila ay pupunta rito. Atat naman na siguro ang bunso naman na makauwi kaya hayun at napaaga ang uwi niya rito sa Batangas kahapon. Hindi lang mga bodyguard niya ang dala niya, pati si Aling Loleng na hindi sanay sa malayuang biyahe ay isinama pa ng aking anak. Nanay-nanayan kasi ang turing ni Maki sa matanda lalo na at ito ang naging kasa-kasama niya sa mansion habang nasa malayo kami ng kaniyang ina. Ayaw na

