Hakan's POV I smiled at Maria Vaniella when she looked on my way. Kanina ko pa hinuhuli ang kaniyang tingin ngunit ngayon lang ako nakatiyempo dahil abala siya masyado sa kaniyang ginagawa. Nagkukwentuhan sila nina Cindy, Vida, Careela, at Fairy Devine sa kabilang panig ng yate kung saan kita na ang isla na sadya namin. Habang kami namang mga lalaki ay may tangan na kopita ng alak habang pinag-uusapan ang isang topic tungkol sa business. Mga na hindi na kasi makapaghintay na matikman ang alak na dala ni Erwhan galing ng Singapore at heto nga at tig-isa na kaming tagay. Tikim lang naman dahil wala naman kaming balak na magpakalasing. Matapang din kasi ang alak at pakiramdam ko, isang shot pa lang ay nahihilo na ako. Ang pait sa lalamunan at lumalaban talaga sa tapang dahil ang init sa l

