Vaniella's POV Nakatingin ako sa kalangitan habang nakaupo rito sa balkonahe ng kwarto namin ni Hakan. Naging favorite place ko ito simula nang umuwi ang pamilya ko sa Pilipinas. Nawawala ang lungkot ko kapag tumitingin ako sa napakagandang tanawin ng lugar na kinaroroonan ko habang may tangan na mainit na gatas at nananaginip ng gising. Lalo na iyong garden sa may harapan ng palasyo na may napakaraming klase ng bulaklak na maaamoy dito sa kinaroroonan ko kapag umihip ang simoy ng hangin. Nakakaaliw din pagmasdan ang maze katabi lang ng malawak na garden na hindi ko alam kung paano ka lulusot kung hindi mo naman alam kung saan ang daan palabas. Mataas kasi ito at mayabong ang mga halaman na nakadikit sa semento na kung saan gawa ang maze. Parang pang-fairytale story ang palasyong kinaro

