Chapter 30 "Anak panay ang date niyo ni pogi ha?" Kasalukuyan nag lilinis ng kanyang kuko si Cris sa loob ng kanyang kwarto ng pumasok ang mommy niya. First time niyang kukulayan ng kulay pulang nail polish ang kanyang kuko. Matagal na niyang gusto gawin ito ngunit pinagbabawalan siya ng kanyang daddy dahil nga lalake raw siya noon. "Hindi naman po masyado mommy." "Aba pa-linis linis kana ngayon ng kuko anak ha? Nagdadalaga kana talaga anak" Matagal na po ako dalaga mommy. Late na nga po ko eh. -- bulong niya sa kanyang sarili "Ngayon ko lang po kasi nagagawa ito mommy. Matagal ko ng gustong lagyan ng kulay ang kuko ko" Napangiti ng mommy niya at tumabi sakanya sa pagkakasalampak niya sa sahig ng kwarto niya "Masaya talaga ako para sayo anak. Biruin mo ang gwapo gwapo ng nobyo mo a

