Chapter 47 "Ang dami naman niyan Miguel?" "Madami ba? Tingin ko kulang pa" Nag ikot ikot pa si Miguel sa loob ng grocery. Nag aya kasi itong pumunta sa kanilang bahay upang kausapin ng maayos ang kanyang mga magulang. Gusto daw nitong linisin ang pangalan sa kanyang magulang. Ngunit bago sila makarating sa kanilang bahay huminto muna ito sa isang grocery store. Naalala nitong mahilig mag grocery ang kanyang mommy. "Huy anu ka ba Miguel madami pa kaming stock na supply sa bahay baka masayang lang yan" Ibinabalik niya ang mga inilalagay nito sa push cart nilang dalawa. Dalawang malaking push cart ang halos mapuno na nila "I'm nervous. Galit sakin ang parents mo kaya gusto kong bumawi kahit----" "Shhhh mabait ang parents ko. They like you. Lalo na si Mommy.." Napabuntong hininga

