Perfect na sana ang outfit at itsura ni Merie Cris ngayong araw ng kanilang first date ni Miguel. Ngunit tinubuan pa siya ng tigyawat sa gitnang bahagi ng kanyang ilong! "Naku naman oh. Pasaway naman tong tigyawat ko. Ngayon pa tumubo!" Nagmamaktol siya habang tinatakpan ng concealer ang kanyang tigyawat sa ilong. "Anak nasa ibaba na ang nobyo mo.." napalingon siya sa kanyang mommy ng sumilip ito sa kanyang kwarto "Mommy paano po ito may tigyawat ako" Takip takip niya ang kanyang ilong Napangiti ng husto ang kanyang mommy at lumapit sakanya. "Hahaha anak sign yan na inlove kana!" "Mommy sign ito na wala akong tulog kagabi" napabuntong hininga siya "Don't worry anak maganda ka padin naman..Bumaba kana at hinihintay kana niya" Napabuntong hininga siyang muli "Hays. Nakakahiya a