Chapter 22 "Choose any movie that you want. Initin ko lang yung pasta sa ref.." Tumango siya habang hawak hawak niya ang remote control ng 75 inch flat screen TV nito. Nasa loob na sila ngayon ng bahay ni Miguel. Mag aalas otso na ng gabi kaya naman nagugutom na silang muli. Tinignan niya si Miguel habang papalayo ito sakanya upang maghanda ng kakainin nila. Likod palang nito talagang napakagwapo na. I mean look at his back grabe ang tangkad niya. Kahit nakatalikod siya halatang gwapo siya e. Ang linis linis ng damit niya at mukhang branded pa lahat Nagiwas agad siya ng tingin dahil lumingon ito sakanya "Gusto mo ba mag- rice babe?" Malambing na tanong nito "I..Ikaw na bahala Miguel.. Hindi pa naman ako nagugutom eh.." Muntik na siyang mabulol . Pakiramdam niya kasi tunay sila