Paalis na ng kanilang bahay si Merie Cris upang pumunta sa bahay ni Miguel, Inaya kasi siya nito na mag practice silang magpangap bilang mag kasintahan. Hindi niya maiwasan ma-excite dahil makikita niyang muli si Miguel. Naligo talaga siya ng matagal kanina para naman gumanda ganda siya kahit papaano at halos pinaligo na din niya ang kanyang perfume. Nakasuot siya ng maluwang na tshirt at pantalon. As usual mukha nanaman siyang lalake dahil iyon na talaga ang nakasanayan niya. May isang malaking bag pack siyang dala dala. Nandoon lahat ng pinamili sakanya ni Miguel. "Saan ka pupunta?" Nahinto siya sa paglalakad ng marinig ang galit na boses ng kanyang daddy "D..Daddy" Nakakunot nuo ito habang nakatingin sakanya "Pupuntahan mo ang nobyo mo?" tanong uli nito Napalunok siya "O..Op