"Tama na kristine. Aray kooo!" Napahawak si cris sa kanyang kilay dahil sa ginagawa ni Kristine sakanyang kilay "Wag kang malikot!" May hawak itong sinulid sa magkabilang kamay nito at isa isa nitong tinatangal ang bawat balahibo ng kanyang kilay. Kinokortehan nito ang kanyang makapal na kilay "Ang sakit naman kasi eh!" Tumutulo na ang kanyang luha dahil sa ginagawa ni kristine "Wag ka kasing malikot. Ang kapal kapal nitong kilay mo eh! Kapag ako nainis sayo bubunutin ko lahat to sige ka!" Wala siyang nagawa kundi tiisin nalang ang hapdi at kirot na kanyang nararamdaman. Jusko ang sakit. Anak ng patis! "Hmm hmmm hmmmm..." Napapa-hmm hmm pa si kristine habang tinitiis niya ang sakit. Sira ulo to ha? pakanta kanta pa ang sakit sakit na nga! Napakagat labi siya dahil ramdam na r