"Saan mo ba ako balak dalhin Miguel?" Tanong ni Cris kay Miguel habang hila hila padin nito ang kanyang kamay "Sa malayo sa babaeng yun.." Seryoso nitong sagot sakanya habang hila hila padin siya nito "P..Pero masakit na ang paa ko" Napahinto ito sa paglalakad at napatingin agad sa kanyang paa "Bakit wala kang suot na tsnelas?" kunot nuong tanong nito Napakamot siya sa kanyang ulo "Eh kanina ko pa sinasabi sayo di ka naman nakikinig eh! Naiwan yung tsnelas ko doon sa malayo sa sobrang paghila mo sakin" Nakalabi niyang reklamo dito Natameme siya ng bigla itong lumuhod upang tignan ang kanyang mga paa "You should have told me.. Masakit ba?" Hinawakan nito ang kanyang paa Napalunok siya ng sunod sunod hindi niya alam kung ano ang reaksyon na kanyang mararamdaman. jusko kaloka to s