"10!" "9" "8!" "7!" "6" "5" "4" "3!" "2" "1!" "HAPPY NEW YEAAAAR!!!" sabay sabay silang sumigaw ng isang malakas na happy new year upang salubungin ang bagong taon. Kasabay nito ang pag iingay ng bawat isa. sigawan at halakhakan ang tanging naririnig ni Cris sa kanyang paligid. Nandito sila ngayon sa bakuran ng kanilang bahay. Naging maliwanag din ang kalangitan dahil sa ibat ibang kulay ng fireworks. Maingay ang buong paligid lalong lalo na ang mga batang pinsan niya na panay torotot ang hinihipan. Nagkaroon ng isang masayang gabi ang buong pamilya ni Cris kasama si Miguel Hoffman. Hindi akalain ni Cris na magiging ganito kadali ang lahat.. "Happy new year" Napalingon si Cris kay Miguel ng bumulong ito sakanya kasabay ng pag iingay sa paligid Agad naman siyang napangiti