Dahil sa sinag ng araw na tumatama sa pisngi ni Merie Cris unti unti siyang nagising.
Napadilat siya ng dahan dahan ngunit agad din niyang isinara ang kanyang mata dahil nasilaw siya sa sinag ng araw.
"Uhmm anak ng tinapa naman oh. Sino ba nag bukas ng bintana? Paki sara naman oh. Natutulog pa yung tao eh.."
Hinila niya ang kanyang kumot upang italukbong iyon sa kanyang ulo.
Uhmm ang bango naman ng kumot ko ngayon?
Naamoy niya ang kanyang kumot. Para bang amoy iyon ng isang mamahalin na perfume.
Napangiti siya kahit antok na antok padin siya.
Sarap matulog kapag ganito kabango yung kumot..
"Hoy.."
May tumapik sa kanyang balikat kaya naman nag aagaw ang kanyang diwa at pagkantok
"Uhmm Ano ba natutulog pa yung tao eh"
"Hoy gumising kana.." Tinangal nito ang kumot na tumatakip sa buong katawan niya.
Kaya naman tuluyan na siyang nagising. Naramdaman niya tuloy na parang binibiyak ang kanyang ulo sa sobrang sakit. Idagdag pa na may isang bwisit na gumising sakanya!
Napabangon agad siya habang sapo sapo ang kanyang ulo
"Ano ba? Putcha naman natutulog yung tao-----"
Naputol ang pagsasalita niya ng makakita siya ng isang lalakeng hindi pangkaraniwan ang kagwapuhan! Ito ang lalakeng kahit kailan hindi niya inaasahan na unang makikita niya sa kanyang pag gising.
Napatulala siya at naiwang nakanganga ang kanyang bibig habang hindi siya makapaniwala kung sino ang nakatayo sa kanyang harapan
None other than Miguel Hoffman!!!
Nakakunot ang nuo nito ngunit hindi iyon nakabawas sa angking kagwapuhan nito. Nakatayo ito sa kanyang harapan habang hawak hawak nito ang kumot at nakatingin sakanya na para bang inis na inis ito
"Siguro naman natatandaan mo yung mga nangyari kanina sa bar"
Palaki ng palaki ang kanyang mata dahil sa realisasyon na kanyang unti unting naaalala. Lasing siya kagabi at wala siya sa kanyang sarili ngunit tandang tanda niya padin ang lahat ng pangyayari!!!
Napalunok siya
"A..Ah Eh..--"
"Tumayo kana diyan. Umuwi kana sa bahay niyo baka hinahanap kana ng pamilya mo"
Napanganga siyang muli
"A..Ah eh.. kasi.. Ah.. Ano.."
Napasimangot itong muli
"Ano?"
"A..Ah Eh..---"
"A e i o u? Hindi ka ba makapagsalita ng maayos?"
Napahawak siya sa kanyang ulo tila ba binibiyak iyon
"Y..Yung nangyare sa bar kagabi--"
"Kanina lang yun dahil umaga na yun. Nga pala, You have to pay for my waiters overtime payments. Dalawang oras silang nag overtime dahil ayaw mo pang umuwi kanina"
"S..Sige magbabayad ako" napakamot siya sa maiksi niyang buhok
"Fifteen thousand"
Napasimangot siya
"Ano?? Overtime payment for two hours fifteen thousand? Tubong lugaw ka naman tyong!" Napatayo na siya sa kama. Kahit gwapo ito nakaramdam siya ng inis dito dahil wala siyang fifteen thousand na ibabayad dito
Lalo naman napakunot ang nuo nito
"Five thousand each waiters for two hours. Ganon kamahal ang overtime payment sa bar ko kaya bayaran mo yun"
"Anak ng putcha naman? Di nga?" tanong niya. Baka kasi ginogood time lang siya nito
"Yeah. I'm serious"
"Grabe naman! Pa-apply nga diyan sa bar mo? Magkano ba ang sahod diyan? Kasalanan ko bang maghintay sila sakin. Dapat pinaalis nalang nila ako ng sapilitan! Pasko naman ngayon bossing baka pwede naman bawasan mo---"
"Fine. Wag mo ng bayaran basta umuwi kana lang dahil sumasakit na ang ulo ko sayo"
Unti unti siyang napangiti.
"Salamat! Yung bag ko nga pala? A..At yung bra ko?" tanong niya.
Namula ang pisngi nito at nag iwas ng tingin sakanya
"Y..Yung bra mo nandoon sa gilid. Pero wala ka naman dalang bag sa bar--"
"Ah baka nasa motor ko.. Naiwan ko siguro yung bag pack ko sa motor ko kagabi.."
"Kunin mo na yung mga gamit mo. And you may go now.."
Napangiti siya dahil hindi na siya pagbabayarin nito ng danyos perwisyo niya sa bar nito
"Salamat bossing!"
Lalakad na sana siya palabas ng kwarto nito ng bigla niyang maalala ang pakay niya kay Miguel Hoffman!
"Ayy Miguel! May naalala ako!" Patakbo siyang lumapit dito.
Nakakunot lang ang nuo nito
"Ano nanaman? Umuwi kana nga---"
"Miguel parang awa mo na. Pumayag kana magpangap bilang fake boyfriend ko.--"
"Ayoko"
"Parang awa mo na! Ikaw nalang talaga pag asa ko para maging babae nako"
Lumuhod siya sa harapan ni Miguel.
"Hey! Ano ba. Stand up!" Nailang naman ito dahil nakaluhod siya sa harapan nito
"Please Miguel pumayag kana? Kailangan lang talaga kita bilang fake boyfriend ko--"
"Damn! Tumayo ka diyan!" Hinila siya ni Miguel patayo kaya napatayo siya
"Sige na Miguel. Gusto ko talagang maging babae---"
"Bakit bakla ka ba ha?" Sigaw nito sakanya
"Hindi ako bakla! Babae nga ako"
"Then why do you have to be a girl? Eh babae ka naman pala?"
"Please parang awa mo na"
"No. Hindi ako papayag---"
Natigil ito sa pagsasalita ng mapatingin ito sa kanyang mata. Nanunubig na kasi ang kanyang mata. Hindi niya maiwasan maiyak dahil ayaw nitong pumayag
"Why are you crying?" Unti unti din nawala ang pagkakakunot sa nuo nito at napalitan iyon ng pagtataka
Napayuko siya.
"A..Ang hirap kasi ng sitwasyon ko"
Hindi ito kumibo at hinayaan lang siya nitong umiyak
Pinupunasan niya ang mga luhang umaagos sa kanyang mata.
Ano ba itong ginagawa ko? Idea lang naman ito ni ricky eh. Mukhang hindi naman talaga papayag si Miguel maging fake boyfriend ko . Dapat tangapin ko nalang na wala nakong magagawa kundi maging lalake habang buhay..
Umiyak siya ng umiyak. Kagabi niya pa gustong umiyak ngunit ngayon niya lang naramdaman na wala na talaga siyang pag asa
"P..Pasensya kana Miguel, Pati ikaw nadamay pa sa problema ko."
Tumalikod na siya at tahimik niyang kinuha ang kanyang Bra, chest binder at T-shirt na nakatupi ng maayos sa gilid ng kama.
Tulo padin ng tulo ang kanyang luha
"W..Wait"
Napatigil siya sa paglalakad palabas ng kwarto ni Miguel ng magsalita ito
Dahan dahan siyang lumingon kay Miguel
"Tell me the whole story about your problem. Baka maintindihan ko"
Unti unti siyang napangiti. Pakiramdam niya niyakap nito ang kaluluwa niya. Pakiramdam niya ililigtas nito ang pagkatao niya.
Napaiyak siyang lalo dahil nakaramdam siya ng pag-asa
"T...Thank you po.." Iyak siya ng iyak dahil halo halo na ang nararamdaman niya. Sobrang saya niya dahil handa na itong makinig sa kanya
Napalunok si Miguel habang nakatingin sakanya.
"Magkwento kana" Umupo ito sa gilid ng kama nito
Tulo padin ng tulo ang kanyang luha kahit pinipigilan na niya iyon.
"Y..Yung daddy ko kasi frustrated siyang magkaroon ng isang lalakeng anak.. Kaya noong nag buntis si Mama sobrang saya ng daddy ko. N..Ngunit na-disappoint si daddy dahil babae ako ng ipanganak ako ni mommy. Lalo na hindi na pwedeng manganak muli si mommy dahil may sakit si mommy sa ovary noon."
Napayuko siya. Masakit kasi para sakanya ang mga nangyayari. Pakiramdam niya she's unlove and unwanted for who she was.
Baby palang siya isa na siyang disappointment sa kanyang daddy.
"K..Kaya si daddy pilit niya akong ginagawang lalake. Mula bata pa ako binibili niya sakin mga laruan ng panglalake. Gusto niya maging lalake ako. Siya ang nasusunod sa mga isinusuot kong damit pati sa gupit ng buhok ko. Siya din nagpapasuot sakin ng chest binder. Hangang sa nakasanayan ko nalang maging lalake.. Pero ngayon hindi ko na kaya dahil gusto niya akong magpakasal sa kapwa ko babae.. Hindi ko yun kaya.. Hindi ako lalake.. Kahit minsan hindi ko ginustong maging lalake.." Napahagulgol na siya at napayuko.
Tumayo si Miguel at lumapit sakanya
"Don't worry. Pumapayag nako"
Unti unti siyang tumingala upang tignan ang mukha ni Miguel
"P..Pumapayag kana?"
For the first time ngumiti ito sakanya ng tipid
"Yeah. Pumapayag nako"
Napatakip siya ng kanyang bibig sa sobrang saya niya
"Oh my God.. S..Salamat Miguel"
Ngumiti ito sakanya.
"From now on i will help you.."
Sa unang pagkakataon nakaramdam si Merie cris na may kakampi siya upang ipaglaban ang kanyang pagkatao
"S..Salamat talaga.."
"Well it's Christmas kaya regalo ko na yun sayo"
"Birthday ko din ngayon. Kaya saktong sakto itong regalo mo sakin. Maraming salamat talaga"
Ngumiti ito.
Napakaganda ng mga ngipin nito. Para bang perpektong perpekto at napakaputi ng ngipin nito
"Really? Happy birthday" Bati nito sakanya.
Napangiti siya ng husto.
Alam niyang naawa lang ito sakanya kaya siya nito tinutulungan.
Ngayon niya lang napatunayan na totoo palang mababait ang mga Hoffman. Napapanuod niya kasi sa news na mahilig daw mamigay ng tulong ang pamilyang hoffman. Sikat din ang mga ito dahil sa nag gwagwapuhan nitong angkan.
Napatunayan niyang maawain ang mga ito at matulungin.
Kahit pa isa siyang stranger na nang gulo sa bar nito. Naawa padin ito sakanya at handa itong tulungan siya.