Kabanata 36 New beggining Nagising ako sa malakas na ingay na nagmumula sa labas ng aking silid. Bantulot akong bumangon at tumungo sa may banyo para sumandok ng tubig sa tabo. Nakapikit pa ang isang mata ko nang lumabas ng pinto. Doon ay nadatnan kong nag-aaway ang kapitbahay kong sina Sandra at ang dalagitang si Hannah. Ang hawak kong tabo ng tubig ay isinaboy ko sa dalawa na siyang nagsasabunutan na. Natigilan ang mga ito na siyang nagpa-awat na sa mga kasama nilang mga kapwa dalaginding din. "Ano ba, natutulog pa yung tao ang ingay-ingay n'yo! Kung gusto n'yo magbabag doon kayo sa baba, sa may court at huwag dito!" Pina meywangan ko pa ang dalawa na siyang pupungas-pungas naman dahil sa ginawa ko. Masamang tumingin ang nagngangalang si Hannah na siyang pinandilatan ko naman ng ma