Kabanata 21 Confrontation Ilang minuto rin akong nagkulong sa banyo, baka kasi bigla ulit humilab ang aking tiyan. Ayoko naman isipin nila na nagpapapansin ako kung magpapabalik-balik ako sa banyo. Kaya naisipan kong hilahin na ang bathroom tissue na nakalagay sa may istante. Naghanap din ako ng gamot sa medicine kit na naroon at swerte dahil may nakita akong diatabs. Lihim ko iyon sinuksok sa bulsa ko dahil kapag nalaman ni Argo na uminom ako ng gamot kahit bunris ako'y magtatataka na naman 'yon. Ayokong magkaroon na naman siya ng hinala sa'kin gaya nang ininom ko yung wine noong nakaraan sa restaurant. Nito lang din naman ako nagkaroon ng pagkakataon na makapag-research sa mga bawal sa isang nagdadalang tao. Kaya sobrang maingat ako ngayon. Halos kuskosin ko ang palad ko ng sabon at