Kabanata 15 Sinigang Agad akong naligo at nagtungo nga sa grocery. Kahit may mga stock na doon ay wala naman doon ang rekado na lulutuin ko para sa masarap na hapunan. Dahil natikman ko ang kare-kare na luto sa bahay nila Argo ay iyon ang plano kong lutuin kasama ng sinigang na baboy. Mataman akong namimili sa grocery store habang tulak ang push cart nang may tumawag sa aking pangalan. "Natalia!" Nilingon ko ang boses na tumawag sa'kin at nang makilala ito ay siya akong nilapitan. "Andra! Kamusta?" Ito busy sa bagong negosyo. Ikaw ang tagal na rin mula noong nagkita tayo. Remember first yeear college pa tayo no'n! Kamusta ka naman? Ano ang pinagkakaabalahan mo ngayon?" Bumaba ang tingin nito sa pinamimili ko at ngumiti sa'kin. "Ito namimili ng iluluto ngayong hapunan." Kibit bali