Kabanata 25 First Agad itong yumuko at inangat ang aking mukhang basang basa ng luha maging ng champagne na binuhos sa'kin ng ginang kanina. "Are you alright? May masakit ba?" Agad niyang hinawakan ang puson kong walang laman. Kinagat ko nang mariin ang aking labi at umiling. Tanging ang paa kong natapilok lamang kanina ang iniinda ko sa ngayon. "Ang paa ko..." Umangat ang tingin sa'kin ni Argo at sandaling naglagi ang mga tingin bago hawakan ang paa kong nasaktan. "What is this means, hijo. That wowan is crazy! Baka nakakalimutan mo sinira n'ya ang dapat na kasal ninyo ni Florisse!" Halos mag histerikal na ito sa galit. Pero imbes na sumagot sa ginang ay tumaas muli ang tingin ni Argo sa'kin. "Can you still walk?" he asked. Bahagya kong ginalaw ang paa ko ngunit makirot iyon. Doo