Kabanata 38 First Day Maaga pa lang ay nasa restaurant na ako. Agad naman akong dumiretso sa office para sa maikling interview. "Natalia Punongbayan, 23 year old. Single and business management under graduate." Tumiim ang mga labi ko habang binabasa ng manager ng restaurant ang aking bio. Mahigpit rin ang pagsalikop ng aking kamay sa aking kandungan dahil sa matinding nerbyos. Sinulyapan n'ya ako na siyang bahagya pang ibinaba ang suot na reading glasses. "Yes, Ms.Punzalan." I finally took a courage to answer. "Pagtitinda sa karinderyá lang ang experience mo? Walang ibang nakasulat dito?" Kumibot ang aking mga labi. Nakita ko kasing tumaas ang kilay n'ya sa'kin. "Yes po, ma'am." "Hmm... Sige, dahil ang mismong may-ari ang nagpasok saiyo dito kahit hindi ka naman qualify para sa