16

1013 Words
3rd Person's POV; "Naubos ko yung mga aso may tatlo lang nakatakas." ani ni Chaos bago kuhanin ang hawak na tissue ni Crios. "Hayaan mo na hindi naman sila ang misyon natin dito." ani ni Crios habang nagsisindi ng sigarilyo. --- "Anong meron Kuya?" tanong ni Khairo habang nakakunot ang noo sa kapatid na nakatingin sa isang projector. "Hindi ko gusto ang pananahimik ng mga tauhan ni papa." ani ni Hector bago ituro ang screen at tingnan ang mga kapatid. "Tagilid tayo natanggal na ang mga bug at mukhang lumipat na din ng kuta ang mga aso niya." ani ni Hector. "Katawa naman mukhang tumatalino na sila." komento ni Jedal habang hinihimas himas ang ulo ng pusa. "Makipag laro na ba tayo?" tanong ni Khairo. "Kung tatayo lang tayo dito walang mangyayari" dagdag ng binata na kinatingin ng mga kapatid maliban kay Hellion na nakapatong sa study table at sinisilip ang laptop ng kakambal. "Hindi tayo pwedeng gumalaw." sabat ni Hellion na kinatingin sakanya ng mga lalaki. "Para na din nating ginalabit ang gatilyong papatay satin." dagdag ni Hellion bago iangat ang tingin nito at tingnan ang mga kapatid. "Pag lahat tayo lumabas hindi lang si papa o ang gobyerno ang mabubulabog pati na din ang High Society." ani ni Hellion bago ilagay ang hintuturo nito sa baba at bahagyang tumingala. "May rules pa din ang High Society at sa ayaw at gusto natin miyembro pa din tayo nun at malaki ang possibility na gamitin yun ni papa para maeliminate na talaga tayo." dagdag pa ni Hellion na kinamura nina Trigger. "Tiyaka binilin ni Kuya L hindi tayo pwede gumalaw hanggat wala pa siya." ani ni Hellion na kinabuga ng hangin ni Trigger. "Naiinip na ako gusto ko ng matapos ito." ani ng binata. "Hindi pa tayo handa." ani ni Luther na kinatingin sakanya ng lahat. "Mukhang yun lang ang inaantay ni Kuya L maging handa tayo." dagdag ng binata habang nag didilim ang anyong sinabunutan ang sarili. "Ano bang sinasabi mo Kuya?" kunot noong tanong ni Killua. "Anong handa? para saan? kayang kaya natin si pa---." "Hindi tayo ginawang halimaw ni papa para sa wala Killua." putol ni Luther na kinatigil ng mga lalaki sa loob ng silid. --- "Pasensya na talaga." ani ni Derek bago lumuhod sa ibaba ng sofa at haplusin ang buhok ng anak na natutulog. "Inuwi ko na siya dito hindi siya makakatulog ng ayos kung nasa school lang siya." ani ng dalaga na kinahinga ng maluwang ng binata. "Pag tapos ng klase susunduin ko na lang siya dito." ani ng binata bago umupo ng maayos sa sahig at hilutin ang sintido. "Umuulan sa labas dito na kayo matulog pasensya na maliit lang apartment ko." ani ng dalaga habang nakatingin sa apat na lalaki sa pintuan na pinupunasan ang sarili. "Mauna na kami boss kailangan kami ng mahal na hari." paalam ni Crios bago lumabas ng apartment ng dalaga. "Derek ano?" tanong ni Reid ng makitang nakayuko ang binata. Nang hindi ito sumagot lumapit si Galvin at sinilip ang lalaki. "Nakatulog na si gago." ani ni Galvin na kinatingin kay Allison. "Okay na kami dito sa sala salamat Teacher nakakahiya naman sayo." ani ni Galvin habang nagkakamot sa ulo. "Ayos lang pero sa susunod agahan niyo ng konti may trabaho din kasi ako." ani ng dalaga bago punasok sa isang kwarto. "Kami na nan." ani ni Shinataro bago kuhanin ang mga dalang comforter at unan na dala ng dalaga palabas. "Meron pa sa loob kayo na maglabas." casual na sambit ng dalaga na agad kinakilos ng tatlo habang si Galvin inaayos ang higa ni Derek sa sahig bago lagyan ng unan na kinuha ni Shintaro at kumutan ang binata. Nang malalim na ang gabi naalimpungatan ang batang babae at napaupo sa sofa ng makarinig ng malakas na kulog. "Papa." natatakot na sambit ng batang babae na kinamulat ng binata at kinaupo nito. "Papa." naiiyak na sambit ng batang babae habang nanginginig na yumakap sa leeg ng amahin. "Shh im here dito ka tabi ka sakin wag ka ng matakot." ani ng binata bago buhatin pababa ang batang babae at ihiga sa pwesto niyang may sapin at pahigain ito sa mga braso niya bago yakapin kahit antok na antok pilit pa din nitong kinantahan ang batang babae. "Kainis kahit walang pasok nagigising pa din ako ng maaga." bulong ng dalaga bago tumayo para lumabas ng---. "Ibang klase." komento ng dalaga habang nakatingin sa mga artista na kinababaliwan ng mga babae na ngayon ay nakahiga sa sahig ng sala niya. "Kung malalaman ito ng mga fans ng mga mokong na ito na pinahiga ko sa sahig ang mga kinababaliwan nilang grupo ng banda gugutay gutayin nila ang katawang lupa ko." bulong ng dalaga hanggang sa mapatingin ito sa sofa kung saan dating nakahiga ang batang babae na ngayon ay nakasiksik na sa ama. "Akala ko puro kalokohan lang alam mo mabuti ka din palang ama amahan." bulong ng dalaga ng makitang pinahiga nito sa kumot niya ang anak at binalot ito para hindi lamigin habang yakap niya. Kaya imbis lumabas at kumuha ng inumin sa kusina pumasok ito sa loob ng kwarto at kinuha pa ang isang extrang comforter at naglakad palapit sa binata para kumutan ng hindi sinasadyang mapatitig ito sa maamong mukha ng binata. "Nung last time na nakita kita hindi ganyan ang mukha mo,kaya siguro hindi ko pa kayang magalit sayo dahil ibang tao ang nakikita ko." bulong ng dalaga ng mapagmasdan nito ang mukha ng binata ng malapitan at mahimbing na natutulog. --- "Please maawa ka wag mo akong patayin." takot na takot na sambit ng batang babae habang nasa gilid ng bangin at umiiyak sa harap ng batang lalaki na walang emosyong tinututukan siya ng baril. "Mamili ka sasalubungin mo itong bala ko o tatalon ka diyan sa bangin." walang buhay na sagot ng batang lalaki. "B-Bakit mo ba ito ginagawa? magkaibigan tayo diba? bakit?" umiiyak na tanong ng batang babae habang hawak ang brasong nadugo. "Wala akong kaibigan." ani ng batang lalaki bago umalingaw ngaw ang malakas na putok ng baril sa buong kagubatan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD