Chapter 58 Gulat siya nang makarinig ng ingay kaya nalukot ang mukha niya at kinapa ang mesa sa gilid ng kama para sa Durian niya, pero ilong yata ang nakapa niya kaya agad siyang nagmulat ng mga mata. Nakahilatang si Lust ang naroon at pinapanood ang pagtulog niya. Titig na titig ito sa kanya na para bang hindi rin gustong-kumurap. She smiled. What a handsome morning! “Susko…” napahagikhik siya. Kung ganito naman kagwapo ang araw-araw na makikita niya sa paggising ay wala na siyang mahihiling pa. Hindi niya akalain na magmamahal siya ng tulad nito na ni sa hinagap ay hindi niya nakita, at mas lalong hindi siya makapaniwala na mamahalin siya ng tulad nito. He disregarded all his plans for her. He had set aside his duties to personally see her and fetch her. Lahat ng ginawa