Chapter 22 Heto na naman ang kaba sa dibdib niya nang makita niyang pinagkukumpulan si Lust ng medics na kinuha ng kanang kamay ni Davis na si Alonzo. Handa na ang lahat pero nang lumabas siya mansyon ay agad siyang naparalisa dahil may dumudutdot sa ulo ng asawa niya at umaatungal na naman si Bianca na parang baka. Nakagown ang beyanan niyang babae pero hindi mapuknat ang paglupasay sa carpeted na bakuran ng mga Montecarlo. Humakbang siyang pilit kahit na makirot ang sentro niya. Hindi niya malaman kung sisisihin na naman ba niya ang sarili dahil sa ginawa niyang paghampas sa ulo ni Lust. Kaya nga nagpaubaya na siya. Kaya nga wala na siyang imik kanina. Anong magagawa niya ay may kunsensya siya? Pinalaki siya ng Papa niya na batang may takot na makapanakit ng kapwa. “Baby b