Chapter 51 Mauna na kami ha. May flight ako alas tres.” Paalam ni Kat kay Psyche nang makauwi sila sa apartment pero hindi na bumaba ang mga kaibigan niya sa sasakyan. Siniguro lang ng mga iyon na makakasama sa paglabas ni Carla sa ospital. It’s been two weeks already and she’s now relieved, knowing that her sister is hundred percent safe. Kailangan na lang ni Carla na magpahinga at kumain ng maayos. “Salamat sa lahat. Dalaw na lang kapag may oras ha.” Hinalikan niya sa pisngi si Catharine at lumipat siya sa isa pang sasakyan at doon naman hinalikan si Rissy. “Call us if you need help. Don’t hesitate.” Bilin ni Rissy sa kanya kaya tumango siya. “Bye.” Paalam niya sa mga iyon na umusad na naman ang mga mamahaling sasakyan. Nakatanaw siya sa mga iyon habang papalayo na nang bi