Chapter 39 “Ma’am Psyche!!!” Gimbal siya nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at kahit na nasa nguso niya ang sinlaki ng kawali na crispy pata ay napatanga siya sa katulong na humahangos. “Si Lord pogi,” tutop ni Ofelia ang dibdib at para itong mamamatay nang wala sa oras. “Hindi ako duktor. Doon ka sa ospital ate kung inaatake ka sa puso.” Natataranta siyang napatayo, bitbit ang karne. Malangis ang nguso niya pero wala siyang pakialam dahil baka mamatay si Ofelia sa loob ng kwarto ay mapagbintangan pa siya. “Halika, hindi ako inaatake. Si Lord Lust, inaatake ang dalawa niyang kuya. Baka magkamatayan sila.” “Ano?!” Lalong nagimbal si Psyche at nagmamadali siyang tumakbo kahit na nalulula siya. Bakit naman nagpapambuno ang mga barakong kalabaw ay nanalo na nga si Lust sa