Chapter 14 Sumilip siya sa pintuan para makita ang lagay ni Bianca. Nag-aalala siya sa ikinilos ng madrasta niya kanina dahil hindi naman iyon akma sa edad no’n na halos sixty na. Parang kahit na si Leander ay gusto no’ng gahasain kanina. Nakita niya na natutulog na ang babae at isang babaeng nakauniporme ang nag-aayos ng kumot. Wala siyang masilip na Leander pero bigla na lang na bumukas ang pintuan at dibdib ng lalaki ang humarang sa harap niya. “What are you doing here?” tanong ni Leander kay Psyche kaya medyo itinuwid niya ang likod. “Checking her. Is she okay? Hindi ako mapalagay. Sabi ni Tita Faustina huwag na akong lumabas ng master’s bedroom pero gusto kong makita si Mommy Bianca.” Sumilip ulit siya sa siwang at mukhang mahimbing na nga ang madrasta niya na ngayon