Mharimar's POV Pagkapasok namin sa restaurant napahinto ako bigla nang mapansin na sa amin nakatingin ang iilang mga nasa table. Para bang biglang gusto ko na lang umatras. Lalong-lalo na ng mapansin ko ang table na nasa dulo. Hindi ko inaasahang makikita ko doon ang mga taong nag-iwan ng bakas na sakit sa dibdib ko. Walang iba kundi si Serene at ang ex-husband ko, si Sebastian. Gusto kong bumalik na lang palabas ngunit pinigilan ni Nash ang braso ko. Tiningnan niya ako na parang pinapahiwatig niyang dito lang ako sa tabi niya. "Stay with me, Mhari. I'll handle them." biglang bulong niya sa akin. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata. I felt safe beside him. Alam kong hindi niya ako pababayaan. Kaya biglang gumaan ang pakiramdam ko. "Show them that you’re no longer the Mharimar the

