"May pupuntahan tayong dalawa." nagulat na lamang ako ng bigla na lang akong hilahin ni Sebastian palabas ng kaniyang opisina. Mabilis itong naglalakad habang ako nakasunod naman sa kaniya. Seryoso ang kaniyang mukha. "S-saan tayo pupunta?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya. Hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya. Basta't ang nakikita ko, galit siya. Hindi ako naniniwalang wala siyang kakayahang magkaroon ng anak dahil alam ko sa sarili kong siya lang ang nakakuha sa akin. Alam kong siya ang ama ng dinadala ko. Kaya napaka-imposible ang sinasabi niya. Hindi niya man lang sinagot ang tanong ko. Hanggang makasalubong namin si Serene. Natigilan ito kaya natigilan rin naman ako. Hawak niya pa rin naman ang kamay ko at tila walang balak na bitawan ako. Natigilan rin naman si Serene.

