CHAPTER 35 Binuklat ni Francheska ang papel na laman ng puting sobre. Sa katagalan nito sa loob ay bakas na bakas na ang pagkakatupi sa papel. She looked first at Jake before she started reading it. "Francheska," panimula niya sa pagbabasa. "Hindi ko alam kung para saan ang sulat na ito, sa totoo lang. But if you are reading it right now, probably you already agreed to have the amount of money that I left for you. Don't get me wrong, hija. Wala akong ibang nais ipakahulugan sa perang iyon. "I just decided to change the content of my last will, weeks after I learned about Letty's condition. Iniisip ko, paano ka kapag nawala na siya? Though, I know you are a strong independent woman, aren't you? Just like your mother." Napahugot ng malalim na paghinga si Francheska nang saglit na sumagi