CHAPTER 37 Halos marami na ang tao sa simbahan nang dumating ang bridal car na sinasakyan ni Francheska. The event coordinator advised everyone to be ready as the ceremony would start soon. Ang ilan ay pumasok na sa loob ng simbahan samantalang ang mga kasama sa entourage ay umayos na sa pagkakapila sa labas ng simbahan. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakadama ng kaba. Siguro dahil alam niyang panibagong kabanata ng buhay nila ni Jake ang kanilang susuungin. Panibagong kabanata ng buhay nila ang kanilang kahaharapin. She saw their friends, pati na ang mga katrabaho nila ay nasa simbahan na. Mula sa sasakyan ay napansin niya si Tiya Martha na inabot si Lucas mula kay Vincent. She smiled as she saw their son looking so handsome on his Barong. Alam niyang magiging makisig itong la