CHAPTER 25 Dalawang araw ngang nawala si Jake dahil sa pagdalo nito ng seminar sa Palawan. At ayaw man aminin ni Francheska ay nakaramdam siya ng pangungulila sa mga araw na wala ito. She missed him. Para bang nasanay na siya na lagi itong kasama. Kaya nang araw na umuwi ito ay hindi niya na naitago pa ang pananabik nang salubungin niya ito. "Miss me that much, huh?" nangingiti nitong wika nang pumasok ito sa silid nilang mag-ina. Kalalapag niya pa lang kay Lucas pagkatapos itong patulugin. Jake arrived that night and went straight to their room. Suot pa nito ang damit na pinangbiyahe at dumeretso na sa kanilang silid to check on them. Na agad niyang sinalubong ng yakap nang makapasok pa lang ito. Ang pagragasa ng damdamin sa kanya ay hindi niya mapigilan. She missed him. Agad siyang