Vince’s POV “Sorry pero hindi ko pwedeng gawin ang nais mo Mr. Montemayor,” tanggi sa akin ni Mr. De Guzman. Hindi ko maiwasang umigting ang aking panga dahil sa pagtanggi niya sa alok kong iyon. Damn this man. Kung hindi lang para kay Jillian ay hindi ako magkakaroon ng interes para alukin siya nang ganito. peri hindi ko alam kung bakit nagawa pa rin niya akong tanggihan kahit pa malinaw na ang lahat na halos ibibigay ko naa rin lahat ng mayroon kami sa kompanya nila. “Hindi ko alam kung kakayanin ba ng kompanya ko ang alok mo. Alam naman nating mainit kayo sa ibang kompanya at ayaw ko pang madamay pa,” pagpapatuloy nito saka ito umiling at iniwasan ng aking tingin. Hindi pwede. Siya lang ang tanging paraan para mabigyan ko ng kinabukasan si Jillian. Siya lang ang tanging taon maka