Jillian’s POV Kinabukasan ay nagising na lang ako nang mapasin ang malaking espasyo sa kama na aking hinihigaan. Napakunot ako ng noo kasabay ang pagpasyal sa mga mata ko sa buong kuwarto pero hindi ko naaninag ang taong gusto kong makita. Bumaling ako kay Axel at mahimbing pa rin itong natutulog ngayon. Umawat ako mula sa pagkakahiga sa kama. Nang mahawi ko ang kumot ay doon ko pa nalaman na wala pala akong suot at tanging ang kumot lang pala ang bumabalot sa aking katawan buong gabi. I look at Axel, siguro mas okay na saka ko na ito gigisingin. Isunuot ko na lang ang bathrobe ko para matakpan ang hubo kong katawan saka binuksan na ang pinto nitong kuwarto at lumabas patungo sa sala. Ang mga pinsan lang ni Axel ang nasa sala kaya sa kusina na ang tungo ko at doon ay nadat