Vince’s POV AKMANG hahakbang na ako para layuan si Alexa na ngayon ay nakayakap pa rin sa aking binti pero pinigilan niya ako. Wala akong magawa kung hindi ang manatiling nakatayo sa harapan niya habang siya ay panay ang pagmamakaawa para manatili ako. Gusto ko siyang itaboy at itulak pero hindi ko naman siya pwedeng saktan gayong alam kong possible niyang gawin iyon laban sa akin kaya mas mabuting maging maingat ako. Ayaw ko nang matali pa sa mga kamay ni Alexa. Gusto ko namang magkaroon ng buhay na gusto ko. Iyong buhay na alam kong mararamdaman ko ang kasiyahang hindi ko naramdaman sa mga oras na ito, kasama si Alexa. “Alexa, malinaw na ang lahat kaya walang rason para manatili pa ako sa’yo. Hindi akin ang batang dinadala mo. Paano ako makikitungo sa babaeng alam kong niloloko lang a