Hindi ko alam kung paano ko pa pakikitunguhan itong si Mr. Montemayor. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang intensyon niya kung bakit ginawa niya ang mga bagay na 'yon sa akin.
I want to think that it is just a part of work pero hindi ko talaga maiwasang isipin ma baka may iba siyang intensyon sa pinaggagawa niya. Una ay pinaggalitan niya ako dahil late na akong bumalik mula breaktime. Siguro consider pa 'yon gayong kasalanan ko talaga 'yon.
Pero ngayon, dammit! Binilhan niya pa ako ng phone nang malamang waa ako no'n. He even restricted me to eat in the canteen for no valid and clear reason.
"Ito na po ang mga papeles na pinapagawa ninyo sa'kin sir," inilahad ko ang makapal na papel sa mesa ni Mr. Montemayor. Hindi niya ako binalingan ng tingin sa halip ay nakatutok lang ito sa kanyang monitor.
Napabaling ang paningin ko sa relos ko. Ilang minuto na lang at makakauwi na rin ako. It's already 5:25 in the afternoon at 5:30 ang uwian ko.
Five minutes na lang ang hihintayin ko para nakauwi na rin ako sa wakas.
Gusto ko na rin takasan ang presnsya ni Mr. Montemayor. Dahil kapag nagtagal pa ako sa opisinang ito ay tiyak na tuluyan na akong lalamunin ng ilang. Di ako komportableng makasama siya sa iisang office dahil pakiramdam ko ay limitado ang bawat galaw ko.
Hindi siya sumagot. Hindi rin niya pinasadahan ng tingin ang mga papeles na nailagay ko sa harapan niya kaya tumalikod na lang ako para bumalik sa aking mesa. Para na rin iligpit ang mga gamit ko at makauwi gayong malapit na mag-alas singko y media.
"Matagal akong makakauwi ngayon,' akmang magsisimula na sana akong humakbang papalayo sa mesa niya pero napatigil ako nang marinig siyang magsalita.
Hindi ako humarap pabalik sa kanya. Sa halip ay hinintay ko na lang ang susunod niyang sasabibin.
Nang wala akong makuhang salitang karugtong sa unang siyang sinabi ay ako na mismo ang naglakas loob na magsalita.
"Mauna na lang po ako, sir ."
Sa puntong ito ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Ilang hakbang na lang at maaabot ko na ang mesa ko pero muli na naman siyang nagsalita.
"You're not done Miss Bartolome. Baka nakalimutan mong nakasaad sa rule ng pagiging sekretarya. Hindi pwedeng umuwi ang secretary kung hindi pa tapos ang CEO," MALINAW niyang sinambit ang huling katatagang binitawan niya. Siguro para ipaalam sa akin na hindi pa ako pwedeng umuwi.
Damn him! Wala naman akong nabasang ganoon sa guidelines!
"Pero sir---" he cut me off.
"No more butts Miss Bartolome. Work is work. Kahit anong oras ka pang makauwi, priority mo pa rin ang trabaho mo. Stay here until I'm done with my work," tugon nito na mas nagpapanlumo pa ng aking tuhod.
Jusko po. Sana bigyan niyo ako ng lakas ng loob para manatili sa trabahong ito. Dahil kapag ito nagtagal pa ay tiyak na tuluyan na akong aalis at mapipilitan maghanap ng ibang trabaho.
Tulad ng sinabi ni Mr. Montemayor ay nanatili ako sa aking desk. Kahit na lagpas alas singko y media pero pinilit ko pa rin na huwag munang isipin ang pag-uwi.
May point naman siya. Work is much prioritized. Pero anong oras ako uuwi? Lalo pa at mahirap ang sakayan kapag gabi. Ayaw ko naman magtaxi gayong triple ang pamasahe no'n sa jeep.
Ilang minuto rin akong nakaupo sa mesa ko nang walang ginagawa. I am still waiting for him to give me some work pero wala e. Parang temang akong nakaupo rito nang walang ginagawa at nakamasid lang sa takbo ng oras. Nakakabagot kaya lalo na't kay tagal pa tumakbo ang oras.
"Miss Bartolome," napaangat ako ng tingin nang tawagin niya ang pangalan ko. For the nth time, napatingin kaagad ako sa relos ko. Alas sais na ng gabi at madilim na rin ang paligid.
Siguro sa puntong ito ay papauwiin na niya ako. Sana nga. Sana nga napagtanto na niyang mali itong ginagawa niya. Sana napagtanto na niyang kailangan ko rin umuwi lalo pa at hindi lang siya ang trabahong inaatupag ko.
"Buy some foods in the canteen. Good for us. Baka matagalan pa tayo sa pag-uwi," wika nito kasabay ang pag-abot ng kanyang pitaka sa akin.
Napalunok ako ng laway. Kasabay ang pagtingin ko sa kanyang kamay na hawak ang pitaka ay ang pagdadalawang isip na tanggapin ito.
Bakit kailangan pa niyang ibigay ang pitaka niya gayong pwede naman siyang kumuha ng pera doon para sa pagkain. Bakit kailagan pang buong pitaka niya pa talaga ang ipagkatiwala sa'kin?
Ano ba talaga ang nais mo Mr. Montemayor?
"Anong klaseng pagkain po sir? Saka pwede ko naman po sabihin sa cashier na para sa inyo po kaya hindi na kailangang padalhan ninyo ako ng cash," tugon ko kasabay ang pagtalikod. Gusto ko rin iwasang mahawakan ang personal na gamit niya at baka may importanteng bagay doon at mawala ko pa.
"Kahit anong pagkain. I don't know your taste kaya hindi ko alam ang exact price. Don't worry, maliit lang naman ang perang nand'yan sa pitakang 'yan kaya hindi mo kailangang matakot"
Humarap akong muli para tanggapin ang inabot niyang pitaka sa akin. I didn't look at his face at baka mas lalo lang akong maiilang kapag tiningnan ko pa 'yon.
"Miss Bartolome," akmang lalabas na sana ako sa office nang magsalita muli siya. Hindi ko siya hinarap sa halip ay hinintay ko na lang ang sasabihin niya. "Ayaw kong pinaghihintay ako nang matagal. Get back as soon as possible," he said in a hard tone voice. Na para bang pinapaalala niya sa akin ang nangyari kanina.
I quickly go to the canteen. Tulad ng sinabi ni Mr. Montemayor ay hindi na ako nagakaaya ng oras sa pagbili. After choosing foods, I quickly get my steps back to his office.
Madilim na nga ang paligid. Alas sais y media na rin ng gabi kaya alam kong talagang malalim na ang gabi ako makakauwi mamaya. Parang wala na yata akong ibang choice kung hindi ang magtaxi na lang. Total, isang beses lang naman 'to. Bukas, baka babalik na rin sa normal ang uwian ko. Siguro ngayon lang ako makakauwi nang maaga gayong ngayon lang naman naging busy si Mr. Montemayor sa opisina niya.
"Here's the food po," inilagay ko ang mga pagkaing nabili ko sa canteen. Iniwan ko ang akin sa mesa kaya tanging ang pagkain niya lang ang inilapag ko sa kanyang mesa.
Saglit lang siyang nakatitig sa pagkain na inilapag ko. Itinuon niya ang atensyon niya sa akin kaya kaagad rin akong napaiwas ng tingin. I quickly avoid his looks so that I can avoid hesitation ang uncomfortable emotions.
"Saan ka pupunta?" He stopped me when I was about to step back to my desk. Hinarap ko siyang muli at sa puntong ito ay tiningnan ko na siya.
Our vision suddenly met. Hindi na ako nakawala pa doon. For the first time, I saw his eyes. Ngayon ko pa lang napansin na parang anghel ang mga matang meron siya. It's brown, angelic and clear pero hindi iyon halata gayong natatakapan 'yon sa mga kasungitan niya. His nose are tall and his lips is different from the usual man I've met; it's kissable and ideal lips.
Napaiwas kaagad ako ng tingin sa mukha niya. Lalo na't parang tinutunaw ako sa mga tingin niya.
He's rich of course kaya hindi na dapat ako natakot pa sa appearance na meron siya ngayon.
"Sa mesa ko po. Kakain," tinuro ko ang mesa ko. Hindi niya inalis ang tingin niya sa akin sa halip ay parang mas lalo pa itong naging matulis at mapanuyo.
"Join me here," mabilis niyang tugon kaya napaangat kaagad ako ng tingin. I quickly put my vision back to him.
"Po?" Gusto ko lang namang linawin ang narinig ko mula sa kanya at baka nagkamali lang ako ng dinig. Lalo pa't hindi ako sanay na makasama sa pagkain ang may mataas na antas sa trabaho ko.
"Join me here. Tayo lang namang dalawa ang nandito kaya walang rason para magkanya-kanya tayo. Please? " His voice turns into begging. Parang nagbago bigla ang pakikitungo niya sa akin sa gabing ito.
Kahit sobrang nakakailang ay sinunod ko na lang ang sinabi ni Mr. Montemayor sa akin. Kinuha ko ang pagkain sa table ko saka iyon inilipat sa kanyang table.
Itinabi pa nga niya ang laptop niya at iba pang mga gamit para mabigyan ng malaking espasyo ang mga pagkain namin. He didn't look at me sa halip ay sa pagkain na nasa harapan namin siya nakatuon.
I sit in the opposite corner of where he is. Ilang beses nagkakatama ang paningin namin lalo na sa tuwing sumusubo kami pero ako mismo itong unang umiwas.
Ewan ko ba pero ito na yata ang pinaka-awkward na nangyari sa buong buhay ko. I didn't expect na ganitong klaseng CEO ang magiging boss ko.
Hindi ko maintindihan ang ugali ni Mr. Montemayor. Minsan sobrang init ng ulo niya. Minsan ay pinagbabawalan niya pa ako sa ibang bagay na hindi naman kabilang sa trabaho at ngayon, ay nag-iba na naman ang pakikitungo niya sa akin.
Ilang beses nagkatama ang paningin ni Mr. Montemayor. Tulad ko, pareho naming iniiwasan ang isa't-isa. Ewan ko kung bakit parang pati siya ay naiilang rin o naka guni-guni ko lang rin 'yon.
Bakit naman siya maiilang? He's the boss here kaya walang rason para makaramdam siya ng ilang.
30 minutes rin kaming kumain at sa buong oras na 'yon ay wala kaming pinakawalan ni isang salita. Tanging ang tunog ng pinggan at mga kubyertos lang ang naririnig namin.
Niligpit ko ang pinagkainan namin. Hindi niya ako pinigilan. Siguro dahil alam niyang ginawa ko lang naman ang trabaho ko.
"Salamat po," tugon ko saka akmang tatalikod na sana para itapon ang balot ng mga pagkain namin pero pinigipan niya ako.
"Wait," huminto ako. Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin pero ilang sigundo ang nakalipas pero hindi niya dinugtungan 'yon kaya naglakas loob na lang akong humarap sa kanya.
"Your lips," he said in a cold voice. Nakatingin siya sa labi ko kaya mas lalo lang nanginginig ang mga tuhod ko.
Hindi ko alam kung tama ba itong iniisip ko o sadyang feeling lang talaga ako. Pero hindi naman yata ako bingi para magkamali ako ng dinig.
"Sir..." Nanginginig ang mga labi ko. Lalo na at nakikita ko kung paano niya titigan nang malagkit ang aking pisnge.
Damn! Unang beses ko pa lang 'to!
"Your lips Miss Bartolome," he said for the second time. Sa puntong ito ay napalunok na ako ng sarili kong laway.
Dammit! Ano ang gagawin ko? Please, h'wag naman sana.
"Si-sir, bakit po? H'wag po, sir..." Tugon ko na may halong takot.
Ngumiti siya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang ngumiwi sa harapan. Ngiti na parang natawa pa sa reaksyon keep.
Damn this man!
"Tssssk. Ang labi mo," nakangiting wika niya saka kinuha ang towel sa pocket niya at hinagis 'yon sa'kin. Sa sobrang bilis ay muntik ko nang hindi masalo 'yon.
"Punasan mo muna ang labi mo. Para kang bata kung kumain. Magligpit ka na, we'll leave the office after a couple of minutes. Tatapusin ko na lang 'to," tugon nito na siyang dahilan para uminit ang pisnge ko.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi Mr. Montemayor. Talaga ngang baliw na ako. Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isipan ko.
Nagmukha tuloy akong tanga sa harapan niya.
Kasalanan rin niya lahat nang 'to e. Kung hindi dahil sa pinaggagawa niya sa'kin nitong nagdaang araw ay sana hindi ako makakapag-isip ng ganoon. E, hindi sana komportable sana ako sa trabaho ko!
Nang matapos akong magligpit ay umupo muna ako sa upuan sa desk ko. Hindi pa tapos si Mr. Montemayor sa ginagawa niya pero natitiyak kong malapit na rin siyang matapos kaya nakahanda na ako sa pag-uwi.
Napatingin ako sa aking relos. Napalunok ako ng laway nang mamataan ang oras. It's already 8:30 in the evening kaya alam kong sa mga oras na ito ay sobrang pahirapan na sa pagsakay.
Hindi pa naman ako sanay na umuwi nang malalim na ang gabi. Sa mga nakaraang trabaho na meron ako ay nasa tamang oras ang pag-uwi ko.
Napatingin ako kay Mr. Montemayor nang mapansin ko ang pagtayo niya. He already close his laptop kaya alam kong sa puntong ito ay tapos na siya at uuwi na.
Salamat at makakauwi na rin ako.
Magtataxi na lang yata ako. Dahil alam kong pahirapan na akong makahanap ng jeep sa oras na ito. Kahit na triple ang pamasahe sa taxi ay lulunukin ko na lang muna. Total, ngayong gabi lang naman ito. I am pretty sure that this will happen once at bukas ay makakauwi na rin ako nang maaga.
"Mauna na po ako sir, " wika ko. Nagmamadali na rin ako at gusto ko nang lumabas sa opisinang ito at umuwi na.
"Wait," he said that made me stop from stepping. Tinignan ko siya. Nakatingin lang rin ito sa akin. "Bring my laptop. CEO mo ako kaya hindi mo ako pwedeng pabayaan. Hindi ka pa nakalabas ng kompanya kaya you're still my secretary," he continued. His voice are covered with cold but strict tone.
Kahit alam kong hindi na tama ang pinaggagawa niya sa akin ay hindi na ako umangal pa. Gusto ko na ring umuwi at mas tatagal pa kung makikipagtalo ako sa kanya.
Kaya kinuha ko na lang ang laptop niya. Pinauna ko siya sa paglabas ng office. Magkasabay naming pinasok ang elevator. The company isn't that crowded. Tanging ang mga HR na lang ang naririto at ang mga maintainance personnel na siyang naglilinis pa ng palapag.
Panay ang sunod ko sa kay Mr. Montemayor. Habang hawak hawak ko ang laptop niya ay panay rin ang pagsilip ko sa suot kong relos. Inaalam ang oras.
Malapit nang mag-alas nuebe. Damn it!
"Get inside," maginaw ang boses na pinakawalan niya. Hindi kaagad ako nakaggalaw gayong iba ang nasa isipan ko.
He's talking his laptop right?
Sa walang pag-aalinlangan ay inilagay ko ang laptop niya sa passenger seat ng kanyang kotse. Nang mailagay ko iyon doon ay muli ko siyang tiningnan. He's now raising his eyebrows while looking at me.
"Sige po. Mauna na po ako."
Akmang tatalikod na sana ako nang muli na naman niya akong pinigilan. "Get inside the car Miss Bartolome," he commanded like he's the most Possesive man in the world. Sa boses niya ay parang wala na akong ibang choice kung hindi ang papayag lang sa gusto niya.
"Magtataxi na lang po ako sir. Saka malayo po ang bahay namin mula rito. Nakakabahala na po sa'yo. Sige po," tumalikod ako at nagsimula nang maglakad papalayo sa kanya.
"Get inside the car Miss Bartolome. Don't dare me to drag you inside the car," his hard baritone voice made me stop from taking my steps. Marahan akong humarap sa kanya.
Hilaw akong ngumiti. Wala rin naman akong ibang magiging reaksyon kung hindi 'yon lang. "Pe-pero sir. Kasi." Napahinto ako sa pagsasalita lalo na nang mapansin ang pagtiim-bagang niya na alam kong senyales ng pagkakairita niya.
Gusto ko lang naman siyang iwasan. Gayong alam kong hindi ako komportable kapag kasama siya. Gusto ko siyang iwasan pero ngayong pati pag-uwi ko ay kasama siya ay hindi ko na alam kung paano ko pa siya iiwasan nito.
He's my boss kaya kahit anong pilit kong paglayo ay wala akong takas.
"Ikaw na ang nagsabi no'n Miss Bartolome. Malayo ang bagay niya mula rito. Paano kung may mangyaring masama sa'yo sa daan? I'm the last person you are with kaya ako ang tanging hahanapan kung sakaling may masamang mangyari sa'yo. I am just assuring the safety of my personnel."
Tulad ng sinabi niya ay pumasok ako sa kanyang kotse. Sa haba ng sinabi niya ay wala na yata talaga akong ibang pagpipilian kung hindi ang sumakay na lamang sa kanyang kotse.
Earlier, he treated me so strangely. He even restricted me to eat in the canteen and now, he's ridding me home.
My CEO is ridding me home. Paano na ako makakaiwas nito kung hanggang sa pag-uwi ay kasama ko siya?