Jillian’s POV “Mom, pupunta po ba si Tito Vince ditoo ngayong gabi? Namiss ko na po siya,” bungad sa akin ni Axel nang makauwi ako ng bahay. Excited akong umuwi kanina pero nang banggitin ni Axel ang pangalan ni Vince ay nawala ang mood ko. Dahil na rin siguro sa panloloko nila sa akin kaya ako nagkakagannito. Parang apoy ang utak ko sa tuwing naririnig ko ang pangalang iyon. Kung ako nga lang ang masusunod ay ngayon na ay gusto ko na silang magdusa. Sa kabila ng pinaggagawa nila sa akin ay gusto ko silang makitang naghihirap hanggang sa maagsawa akong tingnan sila. Hindi ko tiuonan ng pansin ang tanong na iyon ni Axel sa halip ay hinawakan ko na lang ang kanyang kamay para kaladkarin ito papasok sa bahay. “Kumain na tayo Axel, gutom na ang mommy mo,” mahinang sambit ko. Buong aka