Alexa’s POV Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Kung bakit ko nagawang tiisin ang mga paghihirap sa akin ni Vince. Sa una’t sapul pa lang ay sinabi na sa akin ni Vince na hindi ako ang babaeng magpapasaya sa kanya pero dahil sa pagmamahal ko para sa kanya ay nagawa kung umasa na sa huli ay may kami pa rin at may masayang wakas pero wala e. Nauwi lang sa wala ang lahat at oo, sobrang sakit. Sa ilang beses na pinakita sa akin ni Vince ang mga kataksilan niya pero ni isang beses ay hindi ako nagalit sa kanya. I love him and I even give him everything ni kunti ay wala nang natira sa aking sarili. I thought I can buy everything. Buong akala ko ay makokontrol ko ang lahat sa pamamagitan lang ng pera pero mali ako. Mali ako ng iniisip. Kung mahal mo ay mahal mo. Magagawa mong ind