Vince’s POV Hindi ako mapakali. Alam kong sa mga oras na ito ay nasa opisina na si Dad at alam ko rin na nandoon na rin si Jillian. Hindi ko alam kung paano ko papatawarin ang sarili ko taliwas sa mga posibleng gawin ni Daddy at mga masasakit na salita. Ang masaklap lang doon ay hindi ko magawang iligtas ang babaeng mahal ko. Hawak ni Daddy ang lahat. Hindi ko na nga alam kung saan ako lulugar. Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko. Si Jillian ba kung saan kapalit noon ay ang pagkawala nga mga bagay sa akin ngayon at ang pagghihirap ko at kasama na rin doon ang pamilya niya. O ang piliin na lang na sundin ang gusto ni Dad kapalit ang katahimikan ng lahat. Hindi ko na alam. I am happy to be with the girl I love, to be with Jillian pero kapalit naman noon ay ang paghihirap nami