Vince’s POV Kinabukasan, nagising akong kasama si Jillian at Axel sa kuwarto. Hindi muna ako limikha nang anumang galaw gayong ayaw ko muna silang gisingin. Gusto ko muna silang pagmasdan hanggang sa magsawa ako. Hindi ko maiwasang isipin nang mga katatagang “pano kung kami ang nagkatuluyan ni Jillian limang taon na ang nakalipas”? Alam kong masaya sana ako ngayon kasama sila at alam ko rin na hindi lang si Axel ang anak naming ngayon. Pangarap kong magkaroon ng malaking pamilya kasama si Jillian at sa limang taon naming pagkakahiwalay ay sapat n asana iyon para buin ko iyon. Pero kahit papaano ay hindi pa rin naman ako nagsisising nangyari ito sa amin. Dahil sa mga problemang aming hinarap ay nasusukat ang pagmamahalan naming. Dahil sa mga karanasan naming ay nasususkat kung gaano nami